2 Negosyante, Dinukot sa Zamboanga

DALAWANG NEGOSYANTE ang dinukot nang armadong grupo, kahapon nang madaling-araw sa Taha Private Wharf, Brgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Sinabi ni C/Insp. Ariel Huesca, ang Public Information Officer (PIO) ng Police Regional Officer (PRO-9) na kinilala nito ang dalawang biktima na sina Nancy Gonato Lucero 38-anyos at ang sinasabing live-in partner nito na nakilalang si Ronnie San Dagon, 50, may-ari ng Ocean World Marine Products sa nasabing lugar.

Nasa limang armadong suspek umano ang lumitaw sa lugar at puwersahang tinangay ang dalawang biktima at isinakay sa isang motorized pumpboat at dumaan sa direksyon ng west coast ng lungsod.

Samantala, blangko pa rin ang mga kinauukulan kung sino ang grupo na responsable sa panibagong insidente ng pagdukot dito sa lungosd habang patuloy ang isinasagawang joint operation ng PNP at militar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.