2 Negosyante at 2 Brokers, Kinasuhan ng Smuggling sa DoJ

DALAWANG NEGOSYANTE at dalawang broker ang nahaharap ngayon sa kasong Smuggling matapos na sampahan ng kaso ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ).

Napag-alamang una nang nasabat ang P12 milion na halaga ng smuggled na carrots, patatas at iba pang gulay mula sa China at Korea.

Pinangalanan ng BoC ang mga kinasuhan na sina Rosario Menchavez, may-ari ng Rorummen Agricultural Products; Edgar Pengson, may ari ng Kaywaran Enterprises at mga broker na sina Loida Bracamonte at Marlowe Soco.

Ayon kay Biazon, tinangkang ipasok sa bansa ang mga kontrabando noong Oktubre at Nobyembre subalit hinarang ng mga tauhan ng Customs dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.