2 NBI Deputy Director na sinibak, dudulog sa SC

PLANONG DUMULOG sa Supreme Court (SC) ng dalawang tinanggal na National Bureau of Investigation (NBI) deputy director para kwestyunin ang pagkakasibak sa kanila sa puwesto.

Sinabi ni Atty. Ruel Lasala na hindi nila matukoy ni Atty. Reynaldo Esmeralda ang dahilan ng pagkakaalis sa kanila ni Justice Secretary Leila De Lima kaya dadalhin na sa Kataas-taasang Hukuman.

“May question sa legality so kinakailangan ng isang independent office. Punta kami [ni Esmeralda] sa Supreme Court para makuwestyon nga itong nangyaring sitwasyon.”

Naniniwala rin ang dalawa na hindi sila “floating” dahil may kautusan aniya para sa turnover.

Bukod dito, itinalaga na rin ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III si Atty. Ricardo Pangan Jr. kapalit ni Esmeralda habang si Atty. Antonio Pagatpat naman ang papalit kay Lasala.

Kokonsulta sa isang legal team ang dalawang napatalsik sa puwesto para maisagawa ang ihahaing reklamo.

Nauna nang dumipensa si De Lima na siya ang nasa likod ng rekomendasyong sibakin ang dalawa dahil sa kwestyunable nilang integridad.

Itinanggi naman ng dalawang tinanggal na opisyal na sila ang tinutukoy na NBI officials na umano’y kumausap sa itinuturong reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “2 NBI Deputy Director na sinibak, dudulog sa SC

  1. Pingback: 2 NBI Deputy Director na sinibak, dudulog sa SC - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.