2 Nagtangkang Magmanipula ng PCOS, Dakip

NASA KUSTODIYA na ng Commission on Elections (Comelec) at National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang salarin na nagpakilalang mga IT expert na kayang magmanipula ng precinct count optical scan (PCOS) machines.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na nadakip ang mga ito sa isinagawang entrapment operation.

Sinasabing nanghihingi ang mga ito ng pera sa kanilang mga kliyente at pinapaniwala na kaya nilang baguhin ang resulta ng halalan sa pamamagitan ng manipulasyon sa sistema ng makina.

Samantala, umaabot sa P5 milyon ang hini-hingi ng mga ito sa kanilang mga target na biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.