2 nagpakamatay sa Navotas

PATAY ANG ISANG dalagita matapos uminom ng silver cleaning solution sa loob ng kanyang kuwarto, habang nagbigti naman ang isang mister sa loob ng kanilang bahay sa magkahiwalay na oras at lugar sa Navotas.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si Jamie Tamayo, 15, high school student ng Kapalaran Uno, San Roque ng lungsod.

Sa ulat, alas-7 kamakalawa ng gabi nang makitang bumubula ang bibig ni Tamayo sa loob ng kanyang kuwarto na naging dahilan upang dalhin sa TMC.

Samantala, alas-4 naman kahapon ng umaga nang makitang nakabigti ng flexible host si John Roland Garcia, 32 sa loob ng kanilang bahay sa Apahap St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Dinala rin sa TMC si Garcia subalit hindi na rin ito umabot nang buhay.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagpapakamatay ng mga biktima at tinitingnan na rin kung may naganap na foul play sa mga nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.