2 Nagnakaw sa Autoshop sa QC, Miyembro ng PSG

KINUMPIRMA NG Palasyo na kasapi ng Presidential Security Group (PSG) ang dalawang lalaking naarestong nagnakaw sa isang autoshop sa Quezon City.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na support staff ng PSG ang dalawang salarin at hindi naman nagsisilbi ng malapitan sa Pangulo.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang PSG sa Quezon City Police District sa isinasagawang pagsisiyasat.

Bagama’t iginiit na hindi kukunsintihin ng PSG ang mga gawaing kriminal, sinabi naman ni Valte na hindi muna huhusgahan ang dalawang salarin.

Una nang nadakip ng QCPD Station 5 sina Sergeant Marvin Gaton at Bobby Atis sa isang bar sa Mindanao Avenue nang mapansing may nakasukbit na baril sa mga ito.

Samantalam, pagdating sa presinto, itinuro ng negosyanteng si Richard Tubig at security guard nitong si Manolo Panotes ang dalawa na gumapos sa kanila at kabilang sa mga nanloob sa autoshop.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.