2 na Opisyal ng NPA; 4 Pa, Arestado sa Engkuwentro

ANIM NA umano’y miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) kabilang ang  dalawang mataas na opis-yal ang nahuli ng mga tauhan ng 56th Infantry Battalion sa naganap na engkuwentro sa liblib na lugar ng Brgy. Sto. Niño, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Efren Delalamon, alyas “Baste”; Carla Ramos Bautista, alyas “Joy”, isang political instructor sa Central Luzon Regional Committee (CLRC); Andres Lapuz Ely, alyas “Marco”; John Michael Ilito; Felix Sarabia; at Ambrosio Ilito.

Nakuha sa sinasabing kuta ng mga rebelde ang dalawang granada, iba’t ibang ammunition, isang itim na Toshiba Laptop, isang portable generator set, isang icom radio, posas, tatlong Nokia cellphone, iba’t ibang gamot at gamit sa medisina, at perang nagkakahalaga ng P116,000.

Nabatid na umabot sa sampung minuto ang palitan ng putok, kung saan mabilis na tumakas ang iba pang mga rebelde bitbit ang ilang sugatang kasapi habang naiwan naman ang anim na sugatan na napilitang sumuko.    (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “2 na Opisyal ng NPA; 4 Pa, Arestado sa Engkuwentro

Leave a Reply

Your email address will not be published.