2 Motorsiklo, Nagsalpukan; 2, Patay

DEAD ON the spot ang isang rider habang dead on arrival naman ang isa pa sa Baliuag District Hospital, makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Cagayan Valley Road, Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Manuel Cunanan, 34 anyos, ng Brgy. Tambubong, San Rafael; at Drandred Bautista, 28 anyos, ng Brgy. Sabang, Baliuag.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ganap na alas- 11 ng hating-gabi nang maganap ang aksidente kung saan nagsalpukan ang dalawang motorsiklo na kinabibilangan ng isang Honda na may plakang VE- 5618, at isang Kawasaki.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa nabanggit na aksidente.

(TONY DELA PEÑA )  

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.