2 Motorsiklo, Nagsalpukan; 1 Patay; 3 Sugatan

ISA ANG patay, tatlo ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Asingan sa  Pangasinan.

Basag ang bungo ng biktimang si Sammy Torio na agad nasawi habang sugatan ang kanyang dalawang backrider na sina Elmer Mendoza at Arnel Mones matapos sumalpok ang sasakyan nila sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng driver na si Larry De Vena na residente sa bayan ng San Quintin.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang sasakyan dahilan para mabangga ang kasalubong na motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, bumangga pa ang biktima sa kongkretong poste ng tulay sa bahagi ng Barangay Poblacion East, Asingan dahilan para mabagok ang ulo nito.

Samantala, mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Torio.

Napag-alaman din na nakainom ang tatlong magkakaibigan nang mangyari ang aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.