2 Motorista, Inararo ng Trak

 

PATAY ANG dalawang motorista nang araruhin ng trak na nawalan ng preno sa ‘killer curve’ ng Barangay Nagpan, Malungon, Sarangani province.

Batay sa report, na-kilala ang mga biktimang sina Reynaldo at Greg Ayao, kapwa residente ng San Roque, Malungon.

Ayon sa testigo, mabilis ang takbo ng naturang trak nang biglang nawalan ng preno at nahagip ang dalawang motorista.

Nasira ang motorsiklo at tumilapon ang mga biktima kaya binawian ng buhay.

Ang nabanggit na kurbadang daan ay para-ting pinangyayarihan ng aksidente at marami na ang namamatay.

Samantala, plano ng mga awtoridad na maglagay ng advance command post sa naturang lugar para maiwasan ang mga aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.