2 Miyembro ng ‘Waray-Waray’ Group, Tiklo sa Raid

DALAWA ANG nadakip matapos salakayin ng National Bureau of Investigation Anti-Organized Crime Division (NBI-AOCD) ang mga safehouse ng umano’y grupo ng Waray-Waray sa Barangay Manggahan, Bukid Puno, Parañaque City.

Sangkot umano ang dalawa sa serye ng panghoholdap sa mga bangko at money changer, maging sa kasong pagpatay.

Sinabi ng NBI na Nobyembre pa nang sinimulan nilang tiktikan ang grupo at matapos makabili ng granada ang mga suspek sa isinagawang dalawang beses na test buy ay nag-aplay na sila ng search warrant.

Kinilala ang dalalawang kasapi ng grupo sa alyas “Boni” at Ka-yo Lungkop habang nakatakas si Noli del Monte, pinaniniwalaang lider ng grupo na may warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa Samar.

Nakumpiska naman ang iba’t ibang uri ng mga armas, bala at granada, pati mga drug parphernalia.

Tatlong search warrant ang pinagbasehan ng raid na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 22 Judge Marino dela Cruz.

Sinasabing ang nasabing grupo ang nasa likod ng panghoholdap sa Banco de Oro, Imus branch at sa isang money changer sa Metropoint Mall sa Pasay City.

Samantala, patuloy pa ring inaalam ang tunay na pangalan at iba pang kasong kinasasangkutan ng mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.