2 Miyembro ng Sulu Sultanate Force, Ipalilipat sa Ospital

HINILING NG Public Attorney’s Office (PAO) sa Tawi-tawi Regional Trial Court (RTC) na ilipat sa Zamboanga City Medical Center ang dalawa sa 38 naarestong tagasuporta ng Sultanate of Sulu.

Lumalabas sa tatlong pahinang mosyon, may pa-ngangailangang mailipat ng pagamutan si Haxbil Jailani dahil sa pabalik-balik na lagnat, gayundin si Ruben Unuk dahil sa paglaki ng tiyan.

Nakadetine sina Unuk at Haxbil sa Naval station ng Panglima Sugala sa Tawi-tawi.

Nakasaad din sa mosyon ang pakiusap na ibaba ang piyansa sa P9,000 bawat isa.

Sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na bagama’t bumaba na sa P3.1milyon mula sa P6.2 milyon ang piyansa para sa 38 nakadetine ay hindi pa rin ito kakayanin ng mga akusado.

Maaalala na sa unang petition for bail na inihain ng PAO, hinilling nilang ibaba ang piyansa sa P3,000 bawat kaso na kinabibilangan ng inciting to war at paglabag sa Comelec gun ban.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.