2 Miyembro ng LBC Robbery Hold-Up Group, Nakapuga sa RTC

BIGONG MADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang inmates na sangkot sa kaso ng LBC Robbery Hold-Up sa Bulacan at Pampanga ma-tapos makatakas habang nasa loob ng opisina ng Branch-19 ng Malolos Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report ni William Chavez, imbestigador ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP R-3), naganap ang insidente dakong alas- 9:45 ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali ng RTC Branch-19 sa sala ni Judge Victoria Fernandez Bernardo.

Base sa ulat, arraignment sana ng dalawang suspek na si Michael Cortes, 26 anyos, ng Mabalacat, Pampanga; at Russel Arceo 29 anyos, residente ng San Jose del Monte City.

Nabatid na dala ng dalawang escort mula sa Angeles City Jail ang mga suspek nang maganap ang insidente ng pagtakas sa loob ng chamber ng Branch-19, kung saan dumaan ang dalawa sa butas ng aircon.

Ayon sa mga empleyado, bago ang insidente ay agad na inagawan ng baril na 9MM pistol at isang Ace-21 Galil Rifle ang escort nito habang kumukuha naman ng confirmation paper ang kasamahan nito dahil sa hindi umano alam ng korte na nahuli at nakulong sa Angeles ang isa sa mga suspek na tumakas.

Ilang saglit pa ang lumipas, agad na nanutok ng baril ang mga suspek sa isang mag-asawa na inagawan ng motorsiklo, na inabandona sa bayan ng Bocaue, at muling nang-agaw isang kotse sa nabanggit na lugar.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.