2 Miyembro ng Budol-Budol, Tiklo

AGAD NA nadakip ng mga rumenspondeng pulis ang dalawang miyembro ng Budo-Budol Gang na responsable sa pambibiktima sa isang real estate agent sa Brgy. Ibayo, Marilao, Bulacan kahapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya sa Camp General Alejo Santos, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jose Sumaya, 52 ,tubong Ormoc City, residente ng Brgy. Tabing-Ilog, Marilao; at Jesse Canoy, 47, ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte City; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Marjorie Dumantay, 51, residente ng Pandayan, Meycauayan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Chief Insp. Christopher dela Cruz, dakong ala-1:00 ng hapaon nang madakip ang mga suspek habang naghihintay ng masasakyan bitbit ang natangay sa biktima na isang mamaha-ling cellphone na nagkakahalaga ng P19,000 at P200.00.

Nabatid na modus ng mga suspek ang kunwaring magha-hanap ng mauupahang sasakyan na van, kung saan ipakikita sa kanilang target ang isang bundle ng umano’y pera na ibibigay sa biktima habang naghahanap ng sasakyan.

Ayon sa biktima, lulan siya ng pampasaherong jeep nang makita nito na ginupit na papel ang laman ng isang bungkos ng umano’y pera. Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang biktima dahilan upang agad na madakip ang mga suspek.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.