2 minero patay; isa pa, kritikal sa bumagsak na bato

BENGUET – PATAY ANG dalawang minero habang kritikal ang isa pa nang mabagsakan ng boulder  o malaking bato sa isang minahan sa bayan ng Tuba noong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Mardy Andiso, 31, ng Bas-il, Cambaly, Bagulin, La Union; at Jonaeso Ringor, 29, ng upper camp ng Philex Mines.

Ginagamot naman sa St. Louis Hospital sa Baguio City si Conrado Tullao, 51 anyos, ng Pozorubio, Pangasinan at supervisor ng Philex Mines.

Sa report, dakong 3:00 ng madaling araw habang inihahanda ng tatlo ang pagpapasabog sa minahan nang bumagsak ang tipak ng bato at tumama sa kanila.

Isinugod sa Sto. Niño Hospital malapit sa mina-han ang tatlo nang mamatay si Andiso habang sa St. Louis Hospital namatay si Ringor. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.