2 Menor Ulit, Patay sa Ilog

MAKARAAN ANG pagkamatay ng limang miyembro ng isang pamilya kamakalawa, dalawa pang  menor ang nalunod sa ilog na sakop ng Apalit, Pampanga.

Lumabas sa pagsisiyasat ng PNP Pampanga, natagpuan ang bangkay nina Lolita Mandap, 13-anyos; at Khaela Rufino, 12-anyos na lumutang sa gilid ng nasabing ilog.

Nagkatuwaan uma-nong maligo sa ilog ang magkakaibigan na noo’y magsasanay pa lamang na lumangoy nang kapwa tangaying ng agos.

Matapos na iulat ang insidnte ay natagpuan ang bangkay nina Mandap at Rufino bandang alas-2:55 na ng hapon.

(SIGRID C.)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.