2 Menor, Patay; 6 Iba Pa, Sugatan sa Aksidente

PATAY ANG dalawang menor de edad habang nasugatan ang anim ni-lang kasama matapos maaksidente sa Narra, Palawan Martes ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Mary Grace Sudaria,17-anyos; at Mary Jane Campo, 15-anyos.

Lumalabas sa pagsisiyasat na galing ng Tabangay Resort sa bayan ng Narra ang mga biktima at pauwi na sana sa bayan ng Aborlan nang maaksidente.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng van na si Arbie Cañente, 27-anyos at residente ng Palawan, dahilan para mabangga ito.

Sinabi ng ina ni Campo na hindi nagpaalam ang anak sa nasabing outing kaya’t nagulat na lang siya nang mabalitaan ang aksidente.

Hindi pa makuhanan ng salaysay ang driver dahil sa mga natamong sugat nito.

Samantala, patuloy pa ring ginagamot ang limang iba pang menor de edad na sugatan sa insidente.

Planong magsampa ng kaso ng magulang ng mga biktima sa oras na mapatunayang lasing ang driver ng van.

Sa ngayon, posibleng maharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Mutiple Injuries si Cañente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.