2 Menor, Patay; 1 Sugatan sa aksidente sa CDO

PATAY ANG dalawang menor de edad habang sugatan ang isa pang kasama nito sa aksidente sa Barangay Puerto, Cagayan de Oro city.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Nemord Carl Burilla at Judeo Ayon, kapwa 17-anyos habang patuloy na ginagamot sa pagamutan si Jimmy Rebasa.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, binangga ng trak ang karitong sinasakyan ng mga biktima.

Nawalan umano ng preno ang trak na may kargang 200 sako ng feeds na minamaneho ni Dennis Hugutan.

Samantala, sinasabing pagewang-gewang ang sinasakyang kariton ng mga biktima habang padausdos sa bukiring bahagi ng daan kaya bumangga sa gilid ng trak at nawalan ng kontrol ang drayber.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga pulis ang drayber habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung magsasampa sila ng kaukulang  kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.