2 Menor, Nailigtas; Suspek, Kalaboso sa Human Trafficking

NAHULI ANG isang babae dahil sa kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Sinabi ni PO2 Jesus Bragais na nabatid na sinubukan sanang tumakas ng mga biktimang sina Princess, 14 anyos; at Crystal, 15 anyos, na parehong taga-Cabuyao, Laguna sa salarin na si Marites Regidor, subalit nasundan sila nito sa Central Bus Terminal sa Naga City.

Mabuti na lamang umano at nakatakas ang isa sa mga biktima at nagawang magsumbong sa mga pulis daan upang mahuli si Regidor.

Napag-alamang kinuha ng salarin ang dalawa upang papagtrabahuhin umano bilang mga waitress sa isang restaurant sa Laguna subalit dito umano sila dinala sa Bicol at sapilitang pinagtrabaho bilang GRO sa Cariñosa KTV Bar sa bayan ng San Fernado, Camarines Sur.

Samantala, dahil hindi na makayanan ang ginagawang trabaho, nag-desisyon ang dalawang tumakas.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng DSWD ang dalawa habang nakakulong naman ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.