2 Menor de Edad na Babae, Brutal na Pinaslang

PUSPUSANG PAGHA-HANAP ang isinasagawa ngayon ng mga elemento ng Caloocan City Police laban sa isang 27-anyos na lalaki na sinasabing responsable sa brutal na pagpatay sa dalawang menor de edad na magpinsang-babae sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay sa Calocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Rimus Calixto, Caloocan PNP chief ang pinaghahanap na suspek na si Gilbert Corporal Fulloso, 27, hiwalay sa asawa at naninirahan sa Block 16, Lot 30, Padas Alley, Barangay 12, Dagat-Dagatan ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kinilala rin ng pulisya ang magpinsang biktima na sina Joan Marie Coronado, 10; at Diana Rose Liza, 15, na pawang nakatira sa kalapit-bahay ng suspek.

Ayon kay Calixto, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang dalawang biktima na parehong tadtad ng saksak sa kanilang katawan at wala nang buhay sa loob ng kani-lang bahay sa nasabing lugar.

Nabatid na ang biktimang si Coronado  ay natagpuang patay sa loob ng kanilang banyo na nakababa ang short na halos hanggang tuhod at posibleng pinagsamantalahan ng suspek bago pinagsasaksak habang si Liza naman ay nakita ring patay sa loob ng kanyang silid.

Napag-alaman pang si Fulloso ay may naka-pending na kasong Rape sa Bacoor, Cavite kung saan ang lahat ng nakalap na ebidensiya at testimonya ng mga saksi ay nagpapatunay na ang nasabing suspek ang may kagagawan ng krimen.

Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng Caloocan PNP ang resulta sa isinagawang technical examination ng Northern Police District-Crime Laboratory Office.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.