2 Menor, Dakip sa Pang-hahalay sa Kapwa Menor

ARESTADO ANG dalawang menor de edad na lalaki dahil sa panghahalay sa isa ring menor de edad.

Ang dalawang salarin ay parehong 17-anyos at residente ng Lapaz at Jaro sa Iloilo City.

Ayon kay SPO4 Jack Cataba ng Leganes police, nangyari ang pananamantala ng dalawang suspek sa 14-anyos na dalagita sa beach resort sa Brgy. Camangay, Leganes, Iloilo.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nagkayayaan ang dalawang salarin at biktima kasama ang kanilang mga kaibigan na maligo sa beach.

Nang malasing, doon na nangyari ang panggagahasa sa loob ng banyo kung saan pinasok ng dalawang suspek ang biktima habang nasa loob.

Nalaman ng pamilya ng biktima ang nangyari sa kanya matapos sinundo ito sa beach at nagsumbong sa ginawang pambababoy sa kanya.

Kaagad namang nada-kip ang dalawang menor de edad na suspek kung saan sinabi pa ng mga ito sa pulisya na dalawang beses na umanong may namagitan sa kanila ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.