2 Mayor sa Ilocos Norte, Sinuspinde

PINATAWAN NG 90 araw na suspensyon si Mayor Eric Bawingan ng Adams, Ilocos Norte matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct at abuse of authority ng sangguniang panlalawigan.

Ang kaso ay nag-ugat sa hindi pagpirma ng nasabing alkalde sa mga clearances para sa terminal leave pay ng pinaslang na municipal treasurer ng Adams na si Elpidio Sy.

Majority ng mga miyembro ng sangguniang panlalawigan ay bumoto sa pagpataw kay Bawingan ng suspensyon.

Nagpahayag naman ng kagalakan ang balo ni Sy na si Mrs Carmen Sy sa parusang ipinataw ng sangguniang panlalawigan kay Mayor Bawingan.

Pinatawan naman ng 60 araw na preventive suspension si Pagudpud Mayor Maja Sales kaugnay sa kinakaharap na kasong administratibo na isinampa ng isang Allan Caluya, tubong-Pagudpud kaugnay sa isyu sa lupain.

Lahat ng mga miyembro ng sangguniang panlalawigan ay bumoto sa pagpataw ng preventive suspension kay Mayor Sales maliban kina Sangguniang Panlalawigan members Juan Conrado Respicio II at Fidel Cimatu.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na pinatawan ng sangguniang panlalawigan ang alkalde ng preventive suspension. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.