2 Matadero, Nagtagaan Dahil sa Heat at Spurs

HALOS MAGPATAYAN ang dalawang matadero na fans ng magkalabang San Antonio Spurs at Miami Heat sa Davao City.

Nakilalang sina Crisanto Jaro, 24, may asawa, residente ng Dalao, Toril, Davao City at fan ng San Antonio Spurs at si Nilo Paganola, 34, may asawa, residente ng Purok 7, Catigan, Toril ay die hard fan naman ng Miami Heat ay nagkayayaan na mag-inuman sa Toril Public Market.

Napag-alaman na dakong alas-7:00 ng gabi nang ang dalawa ay mag-inuman ng tuba at napag-usapan ang patungkol sa laro ng Heat at Spurs.

Kinantyawan ni Paganola si Jalo dahil sa pagkatalo ng Spurs sa Game 4. Hanggang sa nagkainitan na ang dalawa na humantong pagkakapikunan.

Unang nangyari ang suntukan na sinundan ng pananaga. Natamaan ng itak si Paganola sa ulo at kaagad na dinala sa ospital.

Samantala, sa kulu-ngan naman ang bagsak ni Jaro sa Toril Police Station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.