2 Marines, Sugatan sa Sagupaan sa Sulu

DALAWANG KASAPI ng Philippine Marines ang sugatan ng makasagupa nito ang mga pinaniniwalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa may bahagi ng Talipao, lalawigan ng Sulu.

Base sa ulat ng militar, nagsasagaawa ng combat at foot patrols ang mga sundalo ng 32nd Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-2 (MBLT-2) sa may Kiyutaan Village ng makasagupa nito ang hindi mabilang na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf.

Kaagad namang na-evacuate sa Trauma Hospital sa Camp General Teodulfo Bautista ang dalawang sugatang sundalo.

Sa ngayon, patuloy sa paglunsad ng hot pursuit operations ang mga sundalong Marines laban sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Samantala, hindi naman matukoy ng Western Mindanao Command kung ang mga nakasagupa ng mga sundalong Marines ay ang Abu Sayyaf group na may hawak sa Jordanian Journalist na si Baker Atyani at sa crew nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.