2 manyak, kalaboso sa Quezon

MATIGAS AT MALAMIG na rehas ng selda ang hinahaplus-haplos ngayon ng dalawang manyak sa magkahiwalay na bayan ng Quezon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, unang inaresto si Abelardo La Madrid Ortiz, 36-anyos, tubong-Camarines Norte at kasalukuyang residente ng Brgy. Cansinsin, Pakil, Laguna.

Nag-ugat ang pagdakip kay Ortiz nang ireklamo siya ng isang Salome Ordinado, ina ng biktimang si “Carla”, 13-anyos, residente ng Brgy. Marondon, Real.

Sa salaysay ng biktima sa mga barangay official, inaalagaan niya ang sanggol na pamangkin noong Martes dakong 10:30 ng umaga nang pasukin siya ng suspek at sa hindi malamang dahilan ay niyakap, hinalikan at hinawakan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Dito nagpipiglas si Carla kaya naman kumuha ng atensyon sa ilang kapitbahay at natuklasan ang pangmomolestiya ni Ortiz na noo’y lango sa alak.

Sinasabing bisita lamang sa lugar si Ortiz at nakipag-inuman subalit nang malasing ay umandar umano ang init sa katawan.

Dahil dito, hindi na nakauwi ng Laguna ang suspek at ngayon ay nakakulong sa Real Municipal City Jail.

Samantala, arestado rin si si Armando Dusay, 39-anyos, binata ng So Prenza, Brgy. Calimpak, Guinayangan sa kasong Acts Ff Lasciviousness. Kasunod ito ng pagsuplong sa kanya ng biktimang itinago sa pangalang Nena.

Sa salaysay ni Nena, 12-anyos, bigla na lamang hinipo ng suspek ang kanyang dibdib at maselang bahagi ng katawan noong Miyerkules dakong 2:30 ng hapon.

Agad namang nagsumbong si Nena sa kanyang kuya na siyang nagsumbong sa pulisya. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.