2 mangingisda, nangisay sa isdang butete

NAMATAY HABANG nilalapatan ng lunas sa ospital ang dalawang mangingisda matapos lutuin at lantakan bilang pulutan ang buffer fish o mas kilala sa tawag na isdang butete kamakalawa ng gabi sa Barangay Patalon sa Zamboanga City.

Nakilala ang dalawang mangingisdang nalason sa isdang butete na sina Rodrigo Pioquinto, 53; at Randy Algodon, 32, kapwa mga residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ni C/Insp. Roberto Marcos, hepe ng Zamboanga City police station 10, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang mag-inuman ang dalawang biktima, at niluto ang isdang butete saka ito ginawang pulutan. Subalit hindi pa man nagtatagal sa kanilang sikmura ang kinaing pulutan ay kaagad na silang

nakaramdam ng matinding sakit ng tiyan.

Kaagad silang isinugod ng kani-kanilang pamilya sa ospital subalit binawian din ng buhay matapos ang ilang oras.

Ayon sa awtoridad, mabuti na lamang at hindi na tinangka pa ng mga nasawi na ipakain pa sa kani-lang miyembro ng pamilya ang nasabing pulutan, kaya naman naiwasan na ma-damay pa ang mga ito.

Dagdag pa ni Marcos, na hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na may nalason sa isdang butete sa nasabing lugar, dahil mayroon pa ring kumakain nito kahit alam na ng mga ito na ang isda ay nakakalason.

Labis naman ngayon ang paghihinagpis ng pamilya ng dalawang biktima dahil pangingisda ang tanging hanapbuhay nila sa lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.