2 Manananggal, Nasilo

NADAKIP ANG DALAWANG manananggal ng metro ng tubig matapos isumbong sa mga pulis habang nagbabaklas ng mga metro sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina Johnson Sensio, 28 ng Lawang Bato; at Jeffrey Troge, 21 ng Paso de Blas kapwa ng lungsod.

Sa ulat, alas-2:30 ng umaga, nagbabaklas ng mga metro ng tubig ang mga suspek sa F. Lazaro St., Canumay West ng lungsod nang makita ng isang residente.

Agad na nagsumbong sa mga pulis ang saksi na naging dahilan upang puntahan at madakip ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang apat na metro ng tubig.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.