2 Manananggal, Nadagit

SHOOT SA kulungan ang dalawang kawatan matapos mahuli sa akto ang mga itong tinata-ngay ang mga electrical wire na pinagbabaklas kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detencion cell ng Caloocan Police at kapwa nahaharap sa kasong Theft sa Caloocan Prosecutors Office sina Osmer Calixto, 25, binata, ng C-4 Road Bagumbayan, Navotas; at Michael Tujino, 21, binata ng No. 520-B Cruz St., Tangos, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw, nag-roronda ang mga guwardiya sa loob ng U.E construction site sa U.E. Campus, Caloocan City.

Dito, nakita ang mga papatakas na suspek tangay ang iba’t ibang klase ng electrical wirings na nagkakahalaga ng P6,000 dahilan upang sitahin ang mga ito at dinala sa nasabing himpilan ng pulisya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.