2 malaking tsismis sangkot ang mga malalaking artista, aalingasaw na!

DALAWANG MALALAKING TSIMIS ang puputok sa linggong ito. Masarap sanang pagpiyestahan dahil sangkot ay malalaki at sikat na sikat na personalidad, kaya lang, bago mag-react ang ating readers, limiin at pakaisipin natin kung posibleng totoo ito o kathang isip lang para may mapag-usapan.

Mga nurses sa isang hospital daw ang source ng tsismis na ito. Dumalaw daw sa hospital ang isang action superstar sa natsismis nitong kalukadidang na isang aktres (na dalagang ina).

Hindi matapos-tapos  ang tsismax na ito. Ilang beses ng idini-deny both ng action superstar at dalagang ina ang mainit na balita. For the first time, may ebidensiya na raw. Hindi lang matiyak ng aming source kung ang mismong nurse na nagbalita sa kanya ang nakakita. Lagi kasing may nakakakita, pero lagi-laging hindi ang mismong nurse ang siyang nakakita.

Ang tanong, ganoon ba kabobo ang action superstar na magpe-personal appearance sa hospital for everybody to see? Puwede naman niyang ipadala kung may sustento mang tinatanggap mula sa kanya ang dalagang ina. Sa tagal ng balita, lalong posibleng nagkausap na sila kung paano makarating ang sustento o ano mang gusto niyang ipadala.

Matalino po ang action star. Hindi po siya ganu’n ka-bobo. At ang nabanggit na pangyayari, is simply NOT HIS STYLE.

Tulad din ng balita tungkol sa isang pagkaganda-gandang host. Nagpapunta daw ito sa condo ng isang matinee idol at nakikipagkangkangan doon. Kinabukasan, nang maglinis ang katulong, sangkatutak daw na condom ang nakita sa makasalanang lugar. How ridiculous din. Puwede ba iyon, sangkatutak na condom? Again, hindi mismong katulong ang nagbabalita nito. Walang maiturong source.

Again I know this beautiful actress-host. It is simply not her style either. Kaya nga, natawa na lang kami nang pinadalhan kami ng tsismax na ito.

by Chit Ramos

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

6 thoughts on “2 malaking tsismis sangkot ang mga malalaking artista, aalingasaw na!

  1. uu nga..c jennilyn at bong yan..noon pa nmn na bablind item mga yan eh..sa pngalawa nmn..kadiri ha! ngmmlinis pa cla, demademanda pa ever ang ngwa ng family pra daw sa reputasyon kuno tpos ggwin pla nyn is like that..nwei, not sure nmn kung cno eh..opinion ko lng nmn..peace!

Leave a Reply

Your email address will not be published.