2 Malaking Bahagi ng USS Guardian, Naialis na

DALAWANG MALALAKING bahagi sa ibabaw ng USS Guardian ang naialis na ng salvaging operation team sa Tubbataha Reef.

Sinabi ni Tubbataha Task Force Commander Commodore Enrico Evangelista na dulot ng pag-inam ng lagay ng panahon, naialis na nila ang panel at masts ng barko.

Nananatili pa rin ang target na Marso 23 para matapos ang pagpira-piraso sa sumadsad na barko, bagama’t depende pa rin ito sa panahon sa Tubbataha.

Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay magiging mainam ang lagay ng panahon.

Samantala, nagtutulong ang dalawang crane ships na SMIT Borneo at Jascon 25 para maialis ang USS Guardian.

Bukod naman sa tatlong barko ng Amerika, nakaalalay rin sa naturang operasyon ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.