2 Magsasaka, Tinabas

MUNTIK NANG mapugutan ang dalawa kataong kabi-lang ang isang babae nang tagain ang mga ito ng kasamahan sa trabaho sa Sitio Pulo, Brgy. Banglos, General Nakar, Quezon.

Sa naantalang ulat ng General Nakar Police, pasado alas-2 ng hapon nang pagtatagain ng suspek na si Paulo Llaneta, 40 anyos, tubong-Buenas Suerte, Ragay, Camarines Sur ang biktimang si Michael Chavez, 27 anyos, at residente ng Brgy. Catablingan, Gen. Nakar.

Tinangka pa umanong itago ni Llaneta ang bangkay ni Chavez subalit nakita ito ni Josie Sta. Ana, 27 anyos, at residente ng Brgy. Pamplona na siyang kumumpronta sa una.

Dito, pinagtataga rin ng suspek si Sta. Ana kaya nasawi rin.

Inaalam pa ngayon ng mga awtoridad ang motibo sa pananaga sa mga biktima na kapwa nag-aani lamang ng prutas sa farm ng isang Engineer Vengie Villanueva nang mangyari ang insidente.

Mabilis namang nakatakas ang suspek matapos ang pamamaslang.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.