2 magsasaka, nilamon ng balon

 

ILOILO – DALAWANG MAGSASAKA ang ‘di na nakaahon at nalagutan ng hininga matapos ma-suffocate sa hinuhukay nilang balon na mayroong lalim na 35-metro sa Bayan ng Calinog sa Iloilo kahapon ng hapon.

Hindi pa nakilala ng pulisya ang mga biktimang natagpuang magkayakap sa nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad sa naturang bayan, nagpahukay ng balon ang isang nagngangalang Rene sa mga biktima kapalit ng kaunting halaga, pero sa kalagitnaan ng paghuhukay ay bigla na lamang nagpasaklolo ang mga ito.

Agad namang sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima ngunit hindi nila kinaya at ‘di na naisalba ang buhay ng mga ito. (Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.