2 Magsasaka, Nangisay sa Livewire

MALAGIM ANG kamatayan ng dalawang magsasaka nang mangisay  ang mga ito sa sakit makaraang daluyan ng libu-libong boltahe ang kanilang mga katawan sa isang palayan sa lalawigan ng Aklan.

Kapwa dead-on-the-spot ang dalawang biktima na sina Ian Sorca, 26, at Aron Nervar, 18, kapwa residente ng Brgy. Agmailig, Libacao.

Lumilitaw na habang nag-aararo ang mga biktima sa palayan ay nasagi ng isa sa mga ito ang talop na linya ng kuryente hanggang sa mangisay ang mga ito. Sinasabing tumulong lamang ang isa subalit nadamay na rin dahil sa malakas na boltahe ng kuryente.

Ayon kay SPO1 Subiaga ng Libacao PNP, habang bumubungkal ng lupa ang dalawa gamit ang traktora, mayroong dropwire na nakalaylay sa palayan at sa halip na tukuran nila ito ay kanilang hinawakan na naging sanhi ng kanilang pagkaka-kuryente.

Matapos ang insidente, dinala ang bangkay ng dalawa sa punerarya sa naturang barangay.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.