2 Magnanakaw ng Panabong, Kulong sa Pagpiyok ng Manok

DAHIL LAMANG sa pagpiyok ng manok, arestado ang dalawang lalaki na res-ponsable sa pagnanakaw ng panabong na manok sa Brgy. Lagundi, Palridel, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Julius Cesar Domingo kay PNP Provincial Diretor P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Elper Prado, 33; at Eduardo Cortez, 28, kapwa residente ng Brgy. Sipat; samantalang ang biktima naman ay na-kilalang si Daniel Bernardo, farm manager.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-5 ng u-maga nang nakawin umano ng dalawa ang mga manok sa farm na nagkakahalaga ng tig-P10,000 bawat isa. na natukoy naman sa Brgy. Abar 1st sa nabanggit na bayan.

Nabatid na matagal na umanong nanakawan ang naturang farm, kung saan aksidenteng pumiyok ang manok na nakasilid sa isang sako na dala ng mga suspek.

Samantala, detenido

ngayon ang dalawa sa Plaridel Municipal Jail habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.