2 magkapatid na paslit nalunod sa beach

LABIS ANG hinagpis ng mga magulang ng dalawang paslit na nalunod sa isang beach resort sa Barangay Bonbon, Cagayan de Oro City.

Dead on arrival sa Northern Mindanao Medical Center sina Emmanuel Maandig, 7 anyos; at Manny Maandig, 6 anyos, residente ng Barangay Patag.

Sa blotter ng Cagayan de Oro City PNP, pasado alas-2 ng hapon nang magpasya ang magkapatid na magtungo sa beach sa Zone 6, Barangay Bonbon upang maibsan ang init subalit wala pang kalahating oras ay nagsisigaw na ng tulong si Manny.

Nilangoy ni Emmanuel ang kapatid upang tulungan subalit kapwa na tinangay ng alon ang mga ito at makaraan ang isang oras ay saka lamang natagpuan.

Sinabi naman ng mga magulang na hindi nila alam na magtutungo ang kanilang mga anak sa beach. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.