2 M JOBS IKAKASA NG NEDA

LILIKHA NG HALOS dalawang milyong trabaho ang National Economic Development Authority (NEDA) para lalong palakasin ang programang pang-imprastraktura sa bansa.

Sinabi ni NEDA Director Cayetano Paderanga Jr., na ang paglikha ng maraming trahabo ang nakikita niyang paraan para makatulong sa pagpapalakas sa tumatamlay na ekonomiya ng bansa.

Ayon sa kanya, babalangkas sila ng mga polisiya na tutulong upang maabot ang kanilang “goal target” na sa loob ng anim na taon ay wala ng pinoy na walang trabaho sa bansa.

Ayon pa kay Paderanga, noong nakalipas na 2010 ay nakapagtala sila ng 7.8 % na paglago ng ekonomiya at ngayong taong kasalukuyan ay posible umanong dumoble pa ito dahil sa patuloy na pagsisikap ng gob-yerno na makalikha ng maraming trabaho.

Palalakasin din ng NEDA ang ibat-ibang proyektong pang-imprastraktura sa bansa tulad ng paggawa ng farm to market road, irrigation at iba pa na malaking tulong sa mga magsasaka sa bansa.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.