2 Lola, Pinala ng Nag-amok

NAHAHARAP SA kasong murder ang isang lalaki matapos pukpukin ng pala hanggang sa mamatay ang dalawang lola sa Brgy. Montañesa, Malabuyoc, Cebu.

Basag ang bungo ng mga biktima na sina Salustiana Debelleris, tiyahin ng salarin at Leonila Kapsido Paro na kapit-bahay naman ng suspek na si Cristobal Alaban.

Sinabi ni PO3 Jeffrey Protacio Taco Jr. ng Malabuyoc Police Station na pinuntahan ng salarin ang kanyang kaibigan na si Elbert Natubig upang humingi ng gamot dahil sa pananakit ng kanyang katawan.

Sinasabing bigla na lang itong nagwala kung saan sinakal pa ang asawa ng kaibigan ngunit agad na napigilan ng mga magulang ni Natubig.

Dahil dito, humingi ng saklolo ang nasabing pamilya at iniwan ang suspek na nagwawala nang mapadaan naman ang biktima na si Paro kung saan pinaslang  ito sa pamamagitan ng grabeng pagpukpok sa ulo.

Laking gulat umano ng tiyahin ng salarin nang masaksihan ang nasabing krimen.

Sinubukan pang pakalmahin ang kanyang pamangkin ngunit hindi nito inakala na hahantong sa malagim na insidente.

Samantala, pinaniniwalaan na mayroong nervous breakdown ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.