2 Logging Truck, Sinunog ng mga Rebelde

PATULOY ANG paghahasik ng gulo ng mga komunistang New People’s Army (NPA) nang sunugin ng mga ito ang dalawang logging truck sa Barangay Dicamay 2, Jones, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, ang nasabing mga sasakyan ay pagmamay-ari ni Brgy. Chairman Rogelio Lorenzo ng Barangay Linumot sa bayan ng Jones, Isabela.

Nabatid na limang armadong kalalakihan na nagpakilalang NPA ang nag-utos sa driver at pahinante ng mga sasakyan na tanggalin na lamang ang anumang mapapaki-nabangang bahagi ng mga sasakyan dahil kanila itong susunugin.

Walang nagawa ang mga tsuper at pahinante nang tuluyan nang sinunog ang dalawang logging truck.

Sinasabing ang dahilan ng pagsunog ng mga NPA sa mga sasakyan ay ang pagpapagamit umano ni Kapitan Lorenzo sa mga tauhan ng Philippine Army na nakahimpil sa nasabing lugar.       (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.