2 Linggong Nawawala; Kelot, Natagpuang Naaagnas

INAALAM PA ng mga kinauukulan sa Quezon province ang dahilan ng pagkamatay ng isang padre de pamilya na natagpuang nasa state of decomposition.

Nakilala ang nasabing biktima na si Rodrigo San Jose Morales, 52, ng Barangay Pagsangahan, Sitio Madulas sa bayan ng General Nakar.

Nabatid na ang misis nitong si Dionecia ang unang nagbigay-alam sa mga awtoridad hinggil sa pagkawala nito.

Sa paghahanap ng mga PNP General Nakar at 59th Infantry Batallion (IB) Philippine Army, natagpuan ang bangkay ni Morales sa bulubunduking bahagi ng barangay.

Samantala, nabatid na Marso 20 pa nang huling makita si Morales ng kanyang mga kaanak.

Sa ngayon, inaalam pa kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.