2 Ligtas; 5 Nawawala Pa Mula sa 2 Motorbanca sa Cebu

KASALUKUYANG KINUMPIRMA ni Philippine Coast Guard (PCG) Central Visayas Commander Rolando Lizor Punzalan na dalawa ang nailigtas habang lima ang missing matapos mawala ang dalawang motorbanca sa isla ng Bantayan sa Cebu City.

Sinabi ni Punzalan na itinuwid nito ang unang napabalita na isang motorbanca lang ang pumalaot sa dagat ng Bantayan Island.

Patuloy pa silang nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang makakuha ng karagdagang detalye tungkol sa naturang insidente, dagdag pa ni Punzalan.

Tiniyak rin nito na magsasagawa ng search and rescue operation ang kanilang ahensiya sa oras na maging maayos na ang kondisyon ng dagat, kung saan pinaniniwalaang nawala ang dalawang motorbanca.

Hindi pa rin nito matukoy kung ilang pasahero ang sakay ng mga nabanggit na motorbanca.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.