2 Lasenggo, Utas sa Truck

PINANINIWALAANG DAHIL sa sobrang kalasingan kung kaya bumangga sa isang truck ang sinasakyan ng dalawang lalaki na naging mitsa ng kanilang kamatayan sa Bukidnon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktimang sina Joel Nuñe, 32-anyos; at Peter Cape, 36 anyos pawang residente ng Mambatangan, Manolo Fortich, Bukidnon.

Ayon kay Supt. Michael John Deloso, hepe ng Puerto Police Station, pasado alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Ala-e, Bukidnon.

Sinasabing pagewang-gewang ang takbo ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawa at inagaw ang linya ng papasalubong na Primemover Truck na minamaneho naman ni Arnulfo Aparece, ng Brgy. Damilag.

Dahil sa matinding pagkabagok ng ulo, agad namatay si Nuñez na siyang driver ng motorsiklo habang namatay sa ospital si Cape.

Pansamantala namang pinatigil sa police station ang truck driver.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.