2 Lalaki, Kulong sa Kahoy na Cellphone

AGAD NA nadakip ng mga operatiba ng Sta. Maria Police ang dalawang lalaki na nagbenta ng cellphone na yari sa kahoy na binalutan ng rubber at burloloy sa isa nitong biktima sa brgy, Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga naarestong suspek na sina Joel Pabunan Y De Luna, 32 anyos, ng Brgy. Parada, Sta. Maria; at Benjie Mendoza Y Solidon, 32 anyos, ng Area H Sapang Palay, San Jose del Monte City. Samantalang ang biktima ay nakilalang si Danny Reyes, 37 anyos, ng Brgy. Poblacion sa bayang ito.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang panggagantso ng mga suspek sa biktima.

Nabatid na inialok ng mga suspek ang cellphone sa biktima sa halagang P1,000 kung saan hindi  ito nakumbinsi. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang mga suspek at muling inialok sa halagang P500, kung saan walang sabi-sabing binayaran.

Makalipas ang ilang saglit, nadikubre ng biktima na ang nabili niyang cellphone na nababalutan ng goma ay yari sa kinayas na kahoy na kinulayan ng itim na pintura.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.