2 Kulong sa Pagnanakaw ng Wire sa Poste

KULONG ANG dalawang lalaki matapos maaktuhang ninanakaw ang mga kable ng kuryente sa center island sa Navotas kahapon ng hatinggabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Jonathan Lucas, 51 at Jason Vargas, 23 kapwa ng C-4 Road, North Bay Boulevard South ng lungsod.

Sa ulat, alas-12 ng hatinggabi, nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa C-4 Rd., ng lungsod nang mamataan ang mga suspek na pinuputol ang mga linya ng kuryente sa poste sa center island.

Agad na nilapitan at dinakip ang mga suspek na nakuhanan ng aabot sa 29 talampakan ng electric wire bago dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.