2 Kulong sa Botcha

HINDI AKALAIN ng dalawang negosyante na kulu-ngan ang pupuntahan nila makaraang masangkot sa isang aksidente at mabu-king ang dala ng mga ito na botchang baboy at manok sa Sitio Halang, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City kamakalawa ng madaling-araw.

Base sa report na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Arsenio Tisado Y Dando, 52 anyos, binata, tubong-Surigao del Sur; at Tito Molina Y Rizal, 49, negosyante, tubong-Catanduanes, kapwa residente ng Twin River, Nangka, Marikina City.

Base sa inisyal na

imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-1:30 ng madaling-araw ng rumesponde ang mga pulis sa isang aksidente na kinasasangkutan ng isang Nissan Safari na may plakang UNK-151 na pag-aari ng mga suspek.

Nadiskubre ng mga awtoridad na lulan ng naturang sasakyan ang 300 kilo ng double dead na baboy at 20 kilo ng double dead na manok.

Nabatid kay Provincial Veterenarian Dr.Voltaire G Basinang at Provincial Health and Sanitation Dr. Arvin H. Agapito, na kapwa mga hot meat ang lulan ng nabanggit na sasakyan.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose del Monte City Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9296 na Consumer Act of the Philippines.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.