2 Kulong sa Baril

KULONG ANG dalawang lalaki makaraang mahulihan ng baril sa isang karinderya kaninang madaling-araw sa Brgy. Gatbuca, Calumpit, BUlacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Manuel Santos kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga inarestong suspek na sina Anilano Padila Y Halog, 30 anyos, residente ng Francia Sur, Tubao, La Union; at Eric Mapanao Y Marasigan, 35, residente ng Lot-1, Blk-4, Humel Heritage, Brgy. Longos, Malolos City.

Base inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang madakip ang dalawa habang nasa karinderya.

Nabatid na labis na nangamba ang may-ari ng nabanggit na kainan nang makita nito ang baril na nakasukbit sa katawan ng dalawang lalaki. Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa mga pulis sa checkpoint, dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Nakumpiska mula sa dalawa ang cal. 45 at cal. 22 na kapwa burado ang serial number, at isang Toyota Furtuner na kulay itim na may plakang ZGL-645.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1866 Republic Act 8294.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.