2 Kritikal sa Riding in Tandem

KRITIKAL ANG DALAWANG katao matapos pagsasaksakin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na naka-motorsiklo kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Isinugod sa UST Hospital, Manila sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Lambert Gan, 32, binata, insurance agent, ng No. 81 Lawaan St., Brgy., 179 ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Fairvew General Hospital, Quezon City sanhi rin ng tama ng saksak sa likod si John Constantino delos Santos, 26, binata, mekaniko, ng No. 648 Bankal St., Brgy., 179 ng naturang lungsod.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang pagkakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:20 ng madaling-araw, bumibili ng burger si Gan sa Bankal St., Amparo Subd. nang dumating ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo.

Agad na nilapitan ng isa sa mga suspek si Gan at walang salitang inundayan ito ng saksak sa katawan kung saan tinangka namang tumulong ni Delos Santos subalit tinarakan din ito sa likod ng una saka nagsitakas.

Dinala naman sa mga nabanggit na pagamutan ang biktima.

Inaalam na rin ng pulisya ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.