2 Kritikal sa Resbak ng Kaaway

PAGHIHIGANTI ANG naging motibo ng isang negosyante matapos nitong pagbabarilin ang dalawang lalaki na umano’y unang humarang at barilin ang una kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Kapwa isinugod sa Manila Central University hospital sanhi ng tama ng bala sa di-pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Jefferson Rivera, 28, binata, ng No. P. Galauran St., Brgy. 59, Caloocan City at Emmanuel Macaraeg, 40, driver, may-asawa, ng No. 95 C. Apostol St., Brgy. 65 ng nasabing lungsod.

Ginagamot din sa nasabing pagamutan sanhi ng tama ng bala sa di-pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan at kanang binti ang suspek na si Kim Philip Camara, 27, binata, ng No. 107 P. Gomez St., Brgy. 13 ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa C. Apostol St., Brgy. 65 ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa saksing si Ryan Bautista, 26, binata, ng Libis Talisay, ng nabanggit na lungsod, kausap nito sina Rivera at Macaraeg nang biglang dumating si Camara kasama ang pinsan na si Marvin de Vera lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga una.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang mga biktima ganu’n din si Camara para lapatan ang tinamong sugat.

Samantala, nagkontra-demanda naman si Camara laban kina Macaraeg at Rivera dahil bago ang insidente ay hinarang siya ng mga una at binaril na ikinasugat nito sa katawan at binti.

Inaalam na ng pulisya ang pinag-ugatan ng nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.