2 Kritikal sa Kainuman

KRITIKAL ANG dalawang lalaki matapos pagsasaksakin ng kainuman nang magkakulitan sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kapwa ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan sina Gerbert Pelagio, 24 at Jeffrey Erano, 28, kapwa ng F. Bautista St., Marulas ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Erick Gardiente, 27, at kalugar ng mga biktima.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima at suspek sa nasabing lugar nang magkakulitan sina Gardiente at Erano.

Nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak si Erano kung saan tinangkang umawat ni Pelagio subalit sinaksak din ng huli.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa VGH.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.