2 Kritikal sa Kainuman Dahil sa Natapon na Alak

HINDI INAKALA ng lalaki na malalagay sa bingit ng kamatayan ng buhay nito, habang sugatan ang isa pa, makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman matapos ang pagtatalo dahil sa natapon na alak sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Jerry Calico, 46, habang kanang binti naman ang saksak ni Juanito Sinas, 26, kapwa ng Sitio Bon-Bon, Ugong ng lungsod.

Nadakip naman si Juan Siervo, Jr., 32 at kalugar ng mga biktima.

Base sa ulat, alas-6:30 ng gabi, nag-iinuman ang suspek at mga biktima nang sitahin ni Siervo ang puno sa alak na baso ni Calico.

Umalma si Calico na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa tabigin ni Siervo ang hawak na baso ng una at natapon ang alak.

Umuwi si Calico at nang magbalik ay may dalang patalim at walang salitang nilusob ang suspek subalit mabilis na nahugot ng huli ang dalang patalim at nagawang pagsasaksakin ang una.

Umawat si Sinas subalit nahagip sa binti na naging dahilan upang dalhin sa VGH ang mga biktima habang nadakip naman si Siervo ng mga rumespodeng mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.