2 kilabot na holdaper, tiklo sa pinalong pedicab driver

HINDI NAKALIGTAS ANG dalawang holdaper nang paluin ng isa sa mga ito ang pedicab driver habang namamasada nang tanggihan ang mga itong isakay ng huli matapos makabiktima ang mga una kahapon ng ha-tinggabi sa Malabon City.

Nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek na nakilalang sina Edmon Posillos, 19, binata, ng # 36 8th St., Brgy. 93, Caloocan City at Mark Anthony Bucatcat, 20, ng Bulong Bautista, Brgy. Panghulo, Malabon City.

Ginagamot naman sa Pa-gamutang Lungsod ng Malabon, sanhi ng tinamong sugat sa ulo ang biktimang si Juan Paolo Sapno, 27, ng # 16 Luis St., Panghulo, Malabon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa Luis St., Panghulo, Malabon habang namamasada ang biktima.

Dito, biglang nilapitan ng mga suspek ang biktima para magpahatid, subalit tumanggi si Sapno, dahilan upang hatawin ito ng dalang bote ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay nagtangkang tumakas ang mga suspek subalit hindi nakaligtas ang mga ito makaraang humingi ng tulong sa mga barangay ang biktima na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

Narekober mula sa mga suspek ang isang basag ng bote, kutsilyo, cellular phone, at P500 cash, na hinala ng mga pulis ay may nauna nang nabiktima ang suspek.

Ayon pa sa ilang nakaka-kilala sa mga suspek, kilala ang mga ito sa lugar na kilabot na mga holdaper.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.